alam mo bang,
malungkot ang isang tulad ko.
siguro, sa panlabas na kaanyuan,
makikita mo,masaya ako,
pero sa panloob, kapag,
binuklat mo ako,
maraming bagay ang matutuklasan mo.

Hindi ko pa kaya,
Hindi ko pa kayang harapin,
harapin ang mundo ng nag-iisa,
nasasaklawan ako ng takot,
kapag tumatayo ako,
sa sarili,
sa sarili kong mga paa.

Bagaman nakikinikinita ko na ,
kaya kong lumaban,
agad din yong naglalaho,
pagkat` wala akong kaibigan.